TESDA, iniulat na 84% ng kanilang 2022 graduates ay nakakuha ng trabaho

Masayang ibinahagi ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na pumalo sa 84.72% ang employment rate ng kanilang 1.2 million graduates noong 2022.

Ayon kay TESDA deputy director general Aniceto Bertiz III, na batay sa pag-aaral kaugnay sa employment ng kanilang mga graduates noong nakaraang taon, walo sa 10 sa kanila ay nakakuha ng trabaho o livelihood.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Sa 1.2 million trainees, halos siyam mula sa 10 sa kanila ay certified sa iba’t-ibang work sectors.

Samantala, para ngayong taon, target ng TESDA na magsanay ng 1.8 million enrollees.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Mababatid na batay sa bagong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang unemployed persons na may edad 15 pataas ay nasa 2.18 million noong November 2022, na mas mababa sa 2.24 million jobless noong October 2022, at 3.16 million unemployed noong November 2021.
#