Comelec, 100% nang handa kaya wala na umanong dahilan para ipagpaliban ang BSKE

Binigyang diin ng Commission on Election na wala umanong dahilan para ipagpaliban ang nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), dahil on track na lahat ang kanilang paghahanda.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, 100% nang handa ang Comelec para sa naturang halalan.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Dagdag ni Garcia, kompleto na ang pagbili ng election paraphernalia, at 50% sa 91 million ballots na kinakailangan ay naimprinta narin.

Ang printing at verification naman ng mga balota ay makokompleto sa ikalawang linggo ng Pebrero.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Sa ngayon, nasa 1.028 million Filipinos na ang nakapagparehistro sa nagpapatuloy na registration, na magtatapos sa Jan. 31.

Kaugnay nito, inaasahan ng poll body ang 1.5 million hanggang 2 million na mga karagadagang botante para sa BSKE.