LEGAZPI CITY – Posibleng mag-isyu ng temporary suspension ng quarry sa lupa ng Pamilyang Alparce sa Brgy. Binitayan, Malilipot, Albay kung makita at mapatunayang delikado ang aktibidad na ito sa lugar ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) Bicol.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay MGB Bicol Regional Director Guillermo Molina, sinabi niya na maliban sa mga permits and clearances, iimbestigahan din ang status ng lugar tulad ng environmental at safety situation.
Kanila umanong titignan kung open for mining ang lupa, at oras na lumabas sa findings na maaari itong magsanhi ng pinsala, injuries o kamatayan sa komunidad malapit dito, dito na magi-isyu ng suspension sa operasyon.