LGU Legazpi at CDRRMO, nakahanda sakaling maranasan na ang malalakas na pag-ulan sa lungsod

LEGAZPI CITY – Nakahanda na ang lokal na pamahalaan ng Legazpi City pati na rin ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sakaling maranasan na sa lungsod ang malalakas na buhos ng ulan.

Ayon kay Mayor Geraldine Rosal, nakahanda na ang kanilang tanggapan bago pa man pumasok ang mga bagyo, kung saan agad siyang nagpapatawag ng emergency meeting sa mga barangay official upang talakayin ang mga posible scenario.

Sa nakalipas umanong bagyong Aghon, hindi gaanong nakaranas ng pagbaha dahil na rin sa tulong ng flood control projects sa lungsod.

Kung matatandaan, dati-rati’y tuwing dumadaan ang bagyo sa Bicol o kaya malalakas na ulan, halos umaabot sa tuhod at baywang ang baha sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *