Temporary closure order sa dinarayong Highlands park sa lungsod ng Legazpi, binawi na

BICOL—Agad din namang binawi ng local na pamahalaan ng lungsod ng Legazpi ang temporary closure order na ibinaba laban sa Highlands park sa Barangay Estanza.

Ito ay matapos na kumpirmahin ng Permits and Licensing Division na mayroong business permit ang nasabing establisimiento. Base sa rekomendasyon ni Licensing Officer Asuncion Vinas – Calleja, lifted na ang closure order at maaari nang magbukas ang parke salig sa mga kondisyon at limitasyon ng mga umiiral na batas at panuntunan.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Pero ayon kay Mayor Noel Rosal, dalawa lang sa 18 stalls sa Highlands ang mayroong Mayor’s permit kaya sila lang ang maaaring mag operate sa ngayon.

Binigyang diin din ng alcalde ang obligasyon ng operator na dapat sana anya ay tinitingnan ang mga stall owners kung sumusunod sa mga panuntunan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Habang ang Pinaric view naman na kabilang din sa binabaan ng closure order ay mayroon pa umanong mga dapat ayusin sa permit.

Mababatid na ang dalawang bagong pasyalan na ito sa lungsod ay ilan sa mga panibagong dinarayo dahil sa ganda ng lokasyon nito kung saan matatanaw ang kabuuan ng lungsod ng Legazpi mula sa hilltop.# || slm

photo: CTTO