NAGA CITY- Nasa ilalim parin ng General Community Quarantine ang Naga City, istrikto pa sa paghahanap ng mga dokumento ng mga mula sa labas ng Bicol Region.
Kasama sa istriktong hinihingi ang letter of acceptance sa mga papasok na returning Overseas Filipino Individual (OFW). Ito ay ayon kay PLtCol. Errol Garchitorena, Security Cluster Head ng Health Emergency Response Task Force.
Ang letter of acceptance na kinukuha online sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) , ay patunay na alam ng barangay na may darating kahit pa ito ay dumaan na sa mga patakaran ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA bilang pag-iingat sa COVID-19 at mga variants nito.
Paalala pa ng opisyal sa mga mula naman sa loob ng Bicol Region, magpaka totoo dahil mayroon ding mga itinalagang daan para bisisiin ang kanilang bitbit na dokumento.