Teenage pregnancy sa So.Cot, tinututukan ng Population Office

KORONADAL CITY- TINUTUTUKAN ngayon ng Provincial Population Office (PPO) South Cotabato ang pagpapababa sa kaso ng teenage pregnancy sa lalawigan.

Ito ang inihayag ni Provincial Population Officer Zenaida Duron matapos na nakapagtala ang South Cotabato ng 7,128 na kaso ng teenage pregnancy o mga nagbuntis at nanganak na mga kabataan noong 2020.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Napag-alaman ayon kay Duron na 12-anyos lamang ang edad ng pinakabatang naitalang nanganak sa probinsya noong nakaraang taon na residente ng bayan ng Surallah.

Inihayag nito na malaki ang risgo sa kalusugan ng isang babae ang mabuntis at manganak sa murang edad.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Kaugnay nito, mas pinaigting pa ng PPO ang programa nitong Usapang BIBA o Batang Ina, Batang Ama, responsible adolescence program, at responsible parenthood.