Isinagawa ngayong araw ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 katuwang ang DA CVRC at Cauayan City Agriculture Office ang technical briefing para sa mga piling benepisaryo ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa (BP2) program sa Brgy. Union, Cauayan City.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Dr. Rickson Baldugo, ang BP2 Action Officer ng DA RFO2, layunin ng naturang technical briefing na bigyan ng kaalaman ang mga piling benepisaryo ukol sa mga matatanggap na livelihood assistance mula sa ahensiya.
Aniya, bukod dito ay magkakaroon din ng training sa produksyon at marketing ang mga benepisaryo upang mapalago ang matatanggap na pangkabuhayan.
Sa naturang barangay ay mayroong isang principal beneficiary ng BP2 ang umuwi mula sa Metro Manila.
Kaugnay dito, nilinaw ni Dr. Baldugo na sa uuwiang barangay ng principal beneficiary ay pipili ang ahensya ng 30 na residente na nawalan ng trabaho o hanapbuhay dulot ng pandemya upang maging benepisaryo rin ng programa.
Nakatakda naman ang distribusyon ng kanilang livelihood assistance mula DA RFO2 sa buwang ng Agosto at Setyembre.