Inflation rate, posibleng manatiling mataas ngayong buwan ng Hunyo – BSP

Ang mataas na halaga ng kuryente at presyo ng mga produktong petrolyo ang pangunahing nakikitang dahilan kung bakit posibleng manatiling mataas ang inflation rate sa bansa ngayong buwan ng Hunyo.

Ito ay batay sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na ang inflation o ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin ngayong buwan ay maaaring nasa 3.9 percent hanggang 4.7 percent na mas mataas kumpara sa target na 2 percent hanggang 4 percent.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Ayon sa BSP, ang naturang forecast ay maiuugnay sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at adjustment sa singil ng elektrisidad.

Mababatid na nasa ikalimang linggo na ngayon ang serye ng oil price hike sa bansa habang may mga pagtaas din sa singil ng kuryente dahil sa mga isyu sa industriya.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Pero nilinaw naman ng BSP na ang upward movement ay posibleng makaapekto sa pagiging sapat ng suplay ng mga pagkain gaya ng bigas, karne at mga prutas.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng BSP na patuloy nilang mino-monitor ang mga price development upang masiguro na makakamit ang price stability at mabalanse ito sa ekeonomiya.