Itinanggi na ng cybersecurity analyst at Tech Editor ng Manila Bulletin na si Art Samaniego Jr. ang alegasyong siya ang nasa likod ng pangha-hack sa mga websites ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Security Council (NSC), at ng ilan pang mga bangko.
Kasunod ito ng pagkaka-aresto ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division ang ilang IT personnel na ‘di umano’y responsable para sa naturang hacking.
Sinabi kasi ng mga suspects na inutusan daw sila ni Samaniego na i-hack ang mga nabanggit na websites para may ma-content ito sa kaniyang mga column at social media platforms.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Samaniego – sinabi itong mariin niyang itinatanggi ang mga akusasyon.
Sabi niya, matagal na raw siyang ka-partner ng mga government agencies at kaliwa’t kanan ang mga isinasagawa nilang consultations noo.
Sabi ni Samaniego, pinapahalagahan daw niya ang kanilang integridad, at malabo rin ang akusasyon lalo na’t wala naman siyang blog na maaaring pag-post-an ng mga content.