Mga naantalang pangongolekta ng basura ng Naga City SWMO, nakakolekta ng reklamo; opisina patuloy na nagrerecover

NAGA CITY – Nakakolekta ng ilang reklamo sa basura at kinall-out pa ng Lokal na Pamahalaan, ang Naga City Solid Waste Management Office, matapos na maantala ang pangongolekta ng basura na halos alas 6 na ng umaga may basura pa sa ilang kanto tulad sa Barangay Concepcion Grande, Jacob Street, at iba pa, na maging ang concern sa mga drainage canal reklamo din dahil sa kunting pag-uulan baha na.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa panayam kay Engr. Joel Martin, SWMO Head, naantala ang pangongolekta ng basura at halos hindi na nakakabalik sa dating oras, matapos na masira ang apat na garbage truck, ang dating sampu anim lamang, na naging dahilan din ng pagka-antala sa declogging sa ilang drainage canal sa lungsod dahil nagkaroon ng adjustment sa oras at sakop ng trabaho ng mga personahe, ang ilan nag-resign pa dahil hindi na kaya ang haba ng lugar na pagkokolektahan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kaya pagdating ng dalawang bagong garbage truck kaagad na ginamit na nag-iikot sa ilang barangay at pinaprayoridad ang paghahakot ng mga basura ngayon lalo na’t umaabot na ng 135 toneladang basura ang nakokolekta araw-araw bago ang pagtulong sa mga declogging operation, at inaasahang makakabalik na ang normal ng pangongolekta sa buwan ng Hulyo. Sa Setyembre naman nakatalaan na darating ang dalawang karagdagang garbage truck.