Team mula DOH CHD Bicol nagsagawa ng demand generation for Covid- 19 vaccination sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng demand generation for Covid- 19 vaccination ang team mula sa Department of Health- Center for Health and Development Bicol sa Camarines Norte nitong Lunes at Martes.

Ginawa ito sa mga lugar na mababa pa ang immunization coverage o sa mayroong mataas na porsiento ng vaccine hesitancy para tulungan ang Local Government Unit.

Ipinaliwanag ng DOH Bicol CHD team ang kahalagahan ng mga bakuna, partikular na ng COVID-19 vaccines sa kanilang pagpunta sa iba’t ibang eskwelahan at komunidad sa lalawigan.

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Binigyang linaw din ang mga katanungan ng mga estudyante, magulang, Barangay Health Workers, at iba pang mga kalahok tungkol sa bakuna.

Layon nito na mahikayat ang mga CamNorteño na protektahan ang sarili laban sa COVID-19 at sa mga vaccine-preventable diseases sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Kasabay ng mga lecture, nagsagawa rin ng on-site COVID-19 vaccination ang mga LGU.

Personal namang  binisita ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang naganap na bakunahan partikular sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.

Sa demand generation ay ipinapaliwanag kung gaano kahalaga ang COVID- 19 vaccine lalo na para sa mga batang edad 5- 11 at 12- 17 at sa iba pang target age group.