Hinamon ni PMAJ. ARIEL ABANTO ng PNP Highway Patrol Group ang may-ari ng Backride Palawan na magpakita at ilabas nito ang kaukulang dokumento para mamasada.
Ayon sa opisyal, ilegal ang operasyon ng transport service na ito at mahilig magdawit ng pangalan ng kung sinu-sino para makalusot sa violation.
Pero nang makausap ng HPG ang mga binabanggit ng may-ari ng Backride noon ay pinasinungalingan nila ang mga binanggit nito.
Sinabi pa sa Tira Brigada ng opisyal na dapat humarap sa kanya ang may-ari na si Virgel dela Puerta at ipakita ang batas nagsasabing walang mandato ang HPG para sila’y hulihin.
Sa oras daw na may maipakitang mandato o batas si dela Puerta ay sasaluduhan niya pa ito.
Ipinagdiinan pa ni Abanto na kung may legalidad ang operasyon ng Backride Palawan ay dapat magsuot rin ang mga rider nito ng vest at dumaan sa harapan ng PNP- HPG.