SORSOGON CITY – Ekslusibong gagamitin sa loob ng isang araw ang Christmas Village sa bayan ng Irosin, Sorsogon para pagdausan ng lokal na selebrasyon ng Teacher’s Day.
Kaugnay nito, hindi muna papayagan ang publiko na pumasok sa Christmas Village. Tanging mga guro lamang ang pahihintulutan na mamasyal dito.
Ang selebrasyon ay bahagi ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maipadama ang kanilang pagpapahalaga at pagkilala sa mga guro sa kanilang bayan.
Handog ito bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa ilalim ng blended learning.
Aabot sa 1,200 guro ang inaasahang dadagsa sa nasabing Christmas Village na binuksan noong Disyembre 2.
Sa ordinaryong araw, ang nasabing lugar ay bukas sa sinuman kung saan tanging entrance fee ay ang pagbibigay ng kahit anong school supplies bilang donasyon.
PHOTO: ctto
