Teacher’s Day celebration ng SDO Camarines Norte gagawin ngayong araw

CAMARINES NORTE – Isasagawa ngayong araw ang Teacher’s Day celebration ng Schools Division ng Camarines Norte.

Gagawin ito sa Eco Athletic Field dito sa bayan ng Daet kung saan panauhin si Governor Ricarte “Dong” Padilla.

Magsisimula ang selebrasyon alas 7:30 ng umaga sa pamamagitan ng Banal na Misa bago ang Opening Program sa ganap na alas 8: 30 ng umaga.

Magkakaroon din ng awarding para sa mga sumusunod, PRIME HRM awards, Service Award to Teachers at Certificate of Recognition sa Retirees.

Sa ikalawang bahagi ng programa ay magkakaroon ng special presentation ang iba’t ibang District kasama ang Schools Division Office.

Magkakaroon din ng raffle draw sa kada presentation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *