TDRO, patuloy na nagpaalala sa publiko ngayong nagsimula na ang pasukan

BATANGAS CITY – Hindi tumitigil ang TDRO hinggil sa pagbibigay ng paalala sa publiko sa tamang pagsunod sa mga batas trapiko upang maiwasan ang aksidente sa lungsod ng Batangas.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Sir Crismark, tinukoy nito ang ilang mga paalala ng naturang ahensiya sa mga estudyante at drayber.

Kabilang dito ang tamang pagbaba sa mga tamang babaan at tamang pagsakay sa mga nakatalagang area.

Gayundin ang tamang pagdaan sa mga pedestrian lane, dahil kalimitang aniyang pinagmumulan ng insidente ay ang pagdaan sa mga hindi tamang tawiran.

Payo rin ng TDRO na gamitin ng tama ang sidewalk upang maiwasan ang mga disgrasya at pagbigat ng daloy ng trapiko.