BATANGAS CITY – Nilinaw ng National Irrigation Administration o NIA CALABARZON na sa kanilang tanggapan lamang maaaring makabili ng P29 per kilong bigas ngayong Agosto.
Sa panayam ng Brigada Batangas kay Wilma Granados ng NIA CALABARZON, sinabi niya na limitado pa lamang ang kanilang harvest at hindi pa sasapat kung ipagbibili sa lahat.
Ayon pa kay Granados, ipina-prioritize muna nila na makakabili ng bigas ay ang mga senior citizen, 4P’s member at solo parent dahil kakaunti pa aniya ang kanilang suplay.
Aniya pa, nagsisimula nang mag-ani ang taga magsasaka sa Nasugbu at nasa process na ng paggiling at inaasahang magiging bukas ngayong Agosto.
Samantala, nabatid na ang na-harvest ng mga magsasaka ay hahatiin at ipapaubaya umano ang kalahati nito sa kanilang irrigators association upang maibenta ng tingi-tingi.