Kaso ng dengue sa Batangas, bumaba na kumpara noong nakaraang taon

BATANGAS CITY – Mas mababa na kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong buwan na mula Enero hanggang Hulyo ang kaso ng dengue na naitala sa lungsod ng Batangas.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Dr. Dandy Ian Nino D. Calingasan ang Medical Officer IV ng Batangas CHO, sinabi nito na bagamat mas mababa ang kaso ngayon, ay mayroon pa ring mga kaso ng dengue sa lungsod.

Aniya, hindi naman nawawala ang kaso ng dengue at dumarami lamang tuwing panahon ng tag-ulan.

Samantala, umabot naman sa labing tatlong kaso ng dengue ang naitala ng naturang ahensiya sa buwan ng Hunyo, taong kasalukuyan.