Mistula umanong tapunan ng bangkay ang Setit River sa eastern Sudan.
Ayon sa report, kabilang sa mga bangkay na nadiskubre ang mga lalaki, babae, kabataan at ilan pa mga bata.
Kalunos-lunos umano ang sinapit ng mga biktima dahil halata sa mga ito na pinahirapan kung saan nakatali pa ang mga kamay nang patalikot.
Sa pahayag ng ilang testigo at mga otoridad sa Sudan, unang tatlong bangkay ang kanilang nakita na sinundan pa ng 11 bangkay na mistulang inanod lang sa nasabing ilog na malapit sa border ng Ethiopia.
May ilang ebidensiya na nagsasabing Tigrayans mula sa Ethiopia ang mga bangkay.
Pinaniniwalaang kabilang ang mga bangkay na nakita ang mga sinasabing biktima ng mass execution sa border ng Humera na isang bayan sa Tigray region.
