TCWS No.’s 1 at 2, nanatiling nakataas matapos ang pag-landfall ng Maring sa Fuga Island, Cagayan

Inanunsyo ng PAGASA na nag-landfall ang severe tropical storm Maring sa bisinidad ng Fuga Island, sa Cagayan.

Base sa 11 p.m. weather bulletin ng PAGASA kagabi, ay huling namataan ang Maring sa coastal waters ng Aparri malapit sa Fuga Island.

Dahil diyan ay nanatiling nakataas ang signal no. 2 sa Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, Northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Nagbabala ang PAGASA na bukod sa torrential rains ay maari rin maranasan ang mapaminsalang hangin sa mga nabanggit na lugar sa loob ng 24 oras.

Idineklara naman ng PAGASA ang signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, at Pangasinan.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Signal number 1 rin sa Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern portion ng Bataan, at northern portion ng Quezon.

Nagbabala ang PAGASA na posibleng maranasan sa mga nabanggit na lugar ang katamtaman hanggang sa malakas na ulan na may kasamang malakas na ihip ng hangin.