Palasyo binati si Ressa matapos makuha ang Nobel Peace Prize, pero…

Binati ng Palasyo si Maria Ressa, matapos na maging kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Nobel Peace Prize.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay tagumpay rin ng mga Filipino at masaya umano sila para dito.

Read More:  Rep. Edgar Erice urges Congress to scrutinize questionable 2027 budget

Giit pa ni Roque, walang utak talangka na kasama dito.

Sa kabila nito, nanindigan ang kalihim na hindi inaatake ang press freedom sa Pilipinas, kaya hindi ito sampal para sa gobyerno.

Read More:  Teodoro challenges China to name politicians allegedly linked to Beijing

Sa katunayan aniya, ang naturang claim ay pinatunayan ng Nobel Peace Prize. //MHEL PACIA-TRINIDAD