TB case detection sa So.Cot, pinaigting ng IPHO

KORONADAL CITY- AABOT sa 4, 200 na mga indibidwal mula sa 55 mga barangay sa lalawigan ng South Cotabato ang naisailalim sa free mobile chest XRay services ng Integrated Provincial Health Office (IPHO).

Inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr na sa naturang bilang, 810 ang nagpositibo sa tuberculosis o TB.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang mga ito ayon kay Aturdido ay nai-refer na sa mga treatment facilities at isinasailalim na rin sa gamutan.

Sa halip na pagkolekta ng sputum, gumagamit ngayon ang IPHO ng mobile XRay machine sa pag-detect ng TB cases.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ito ay isa sa mga hakbang ng lalawigan upang mapaigting ang TB case detection rate at TB cure rate.