Iniurong ng taxi driver ang reklamo laban sa Immigration officer na nakagirian niya sa kalsada sa Taguig.
Nauwi sa suntukan, tadyakan, sabuyan ng juice at tubig ang insidente.
Ayon sa misis ng taxi driver nagkausap at nagkapatawaran na ang dalawa.
Pagod na rin aniya ang kanyang mister na isulong pa ang kaso pero ayon naman kay Atty. Aileen Lizada, dapat panagutin ng kanyang ahensya ang nasabing Immigration Officer.
Muli namang giniit ng Bureau of Immigration na walang kinalaman ang kanyang naging aksyon sa kanyang trabaho dahil ito ay naka-off duty.
Pero iimbestigahan pa rin ng BI kung may nalabag ito sa ilalim ng code of conduct and ethical standard for public official and employees.
