Mariing itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman siya sa umano’y paninira at destabilisasyon laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tinabla din ng dating Pangulo ang mga paratang at isyu na idinidikit sa kanya.
Sinabi ni Duterte na matanda at pagod na siya para makialam pa sa polikta.
Wala na rin aniya siyang balak tumakbo sa susunod na halalan.
Patuloy naman na tinutugis ng Philippine National Police ang mga natukoy na nagpapakalat ng mga paninira laban sa Pangulo at sa kanyang administrasyon.
Ipapa-ban din sa social media ang mga pagpapakalat ng umanoy paninira laban sa Pangulo at sa kanyang administrasyon.
Nagbabala ang PNP nakakasuhan nila ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kasalukuyang administrasyon
