6 na Pilipinong crew na sakay ng isang merchant vessel nailigtas sa tangkang hijacking

Napigilan ng Indian Navy ang tangkang pag-hijack sa isang merchant vessel na naglalayag sa Arabian Sea.

Sakay ng nasabing barko ang 15 Indian at 6 na Pilipinong crew.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Ayon kay Indian ambassador Shambhu Kumaran naharang ng kanilang Navy ang Liberian Flag MV Lila Norfolk na may sakay umanong lima hanggang anim na armadong lalaki.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Ligtas na nailikas ang mga tripulante kasama ang mga Pilipino habang inabanduna naman ng mga pirata ang kanilang sasakyang pandagat.