Tax issue ni Senador Pacquiao, muling pinalutang ng Pangulo

Muling inupakan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao sa gitna ng kanilang patuloy na bangayan.

Sa pagkakataong ito ay pinalutang ng Pangulo ang tax case na kinasasangkutan ng senador, na isa rin boxing superstar.

Nagkaroon ng hidwaan ang dalawang politiko noong June, matapos magbanta ng Pangulo na patutunayan niyang sinungaling si Pacquiao, dahil sa sinabi nito na tatlong beses na mas kurap ang gobyerno ngayon kung ikukumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Sinabi ng Pangulo na naalala niya na meron tax evasion case si Pacquiao kung saan ay pinagbabayad ito ng P2.2-billion na utang sa gobyerno para sa lahat ng mga naging laban nito sa boxing.

Iginiit ng Pangulo na pwedeng makonsiderang korap ang isang opisyal na dinadaya ang gobyerno.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Sa ngayon ay sinabi ng Punong Ehekutibo na hindi pa nito alam kung nakabinbin pa rin sa korte ang kaso ni Pacquiao.

Matatandaan noong 2013 ay naghain ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax fraud case laban kay Pacquiao at sa misis nito na si Jinkee dahil sa mga tax deficiencies umano noong 2008 at 2009 na nagkakahalaga ng P2.2-billion.