Inihain na sa House of Representatives ang panukalang batas na nagbibigay ng tax exemption para sa suweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ginawa ni Cagayan de Oro City Representative Rufus Rodriguez ang panukala sa ilalim ng House Bill 9106.
Ayon sa batas na isinusulong, ang lahat ng sahod, allowance, at benepisyong ibinibigay sa mga guro sa pampublikong paaralan, kabilang ang mga nasa state colleges at universities, ay hindi kasama sa withholding tax.
Saklaw ng panukala ang humigit-kumulang 880,000 public school teachers sa bansa batay sa record ng Department of Budget and Management.