NAGA CITY – May sinampulan na hardware owners na nagtitinda ng mga mahihinang klaseng construction materials o konsideradong mga substandard ang mga personahe ng Departrment of Trade and Industry –Camarines Sur at ang Hardwares Owners Association na pinamumunuan ng negosyanteng si Solomon Ngo ng Iriga City.
Ang mga nakukumpiskang mga substandard construction materials ay sinisira sa City Hall Ground ng Naga City, tulad ng ginawa noong nakaraang Lunes na kinabibilangan ng mga kilohan mga electric wires at iba pa.
Sina Ngo at ang mga taga DTI-Camarines Sur ay patuloy na mag-iikot sa mga hardwares para magbigay ng babala,makipag-ugnayan sa mga may-aring negosyante na huwag magtinda ng mga substandards materials dahil panganib ang dala nito bukod sa pandaraya pa sa mga kliyente.
Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Ngo na hindi naman nila agad kinukumpiska ang mga materyales, ginagawa nila ang ganitong aksyon kung hindi sumunod ang hardware owner sa kanilang napag-usapan.
Sa kanyang pahayag sa media at sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Ngo marami na silang reklamong natatanggap kaya kumikilos na sila laban sa mga ito.