Ibinalik na sa pwesto ang pulis na na-relieve matapos sisihin sa traffic jam sa Commonwealth Avenue.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, na ipinag-utos ni Quezon City Police District Director Police Brigadier General Rederico Maranan ang pagpapabalik kay Executive Master Sergeant Verdo Pantollano.

Dagdag pa ni Belmonte na hindi dapat sisihin si Pantollano sa simpleng paggawa ng kanyang trabaho.
Matatandaang nag ugat ang kontrobersiya sa viral video na ipinost ni dating Bayan Muna solon Teddy Casiño na nagpapakita sa pulis na pinahinto ang trapiko para sa isang VIP sa Commonwealth Ave.