Tatlong suspek, arestado matapos mahulihan ng mga baril at pampasabog sa Taguig

Arestado ng mga awtoridad ang tatlong suspek dahil sa ilegal na pag iingat ng mga baril at pampasabog sa Lopez Jaena St. Barangay Rizal, Taguig City.

Ang tatlong suspek na kinilala lamang na sina alyas Biboy , alias Ray , at alias Baste ay pawang nagtatrabaho bilang mga lechoneros at nakumpsikahan ng mga iligal na baril at pampasabog.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon sa ulat ng mga tauhan ng Taguig City Police Precinct 2 , isang concerned citizen ang nagbigay sa kanila ng impormasyon na mayroong mga indibidwal ang nakatamabay sa nabnaggit na lugar na may dala umanong armas at pampasabog.

Agad na rumespunde ang mga awtoridad at naaresto ang mga suspek. Nakuha rin sa kanilang kustodiya ang 2 .38 caliber revolver at 2 hand grenade.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Samantala sa isinagawang beripikasyon, lumalabas na ang mga suspek ay sangkot din sa pamamaril sa isang pulis noong June 23 sa Taguig City.

Kasalukuyan ngayong nakakulong ang mga suspek sa Custodial Facility ng Taguig CPS habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa RA 10591 O Comprehensive Firearms and Ammunition Rewgulation Act at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives. (BRIGADA INTERN ANGELINE MESINA)