Malaking sindikato ng iligal na droga sa Pasay City, nabuwag ng pulisya; P10M halaga ng iligal na droga, nakumpsika

Nabuwag ng mga awtoridad ang malaking sindikato ng iligal na droga na nago-operate sa Pasay City.

Ito’y makaraang makumpiska sa mga ito ang aabot sa ₱10 milyong pisong iligal na droga sa isang operasyon sa Bgy 201 sa Pasay City kaninang madaling araw.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa ulat ng PNP Drug Enforcement Group, naaresto sa operasyon ang dalawang suspek kung saan narekober sa mga ito ang ketamine, high-grade marijuana at mga ecstacy tablets.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Nakumpiska rin sa mga suspek ang isang baril at bala at mga packaging materials.

Inihahanda na ng PDEG ang kasong isasampa laban sa mga suspek.