49 na tauhan ng Bamban Municipal Police Station, sinibak sa pwesto

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na sinibak sa pwesto ang 49 na tauhan ng Bamban Municipal Police Station.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ito’y upang bigyang-daan ang imbestigasyon sa nangyaring raid sa POGO hub sa bayan.

Read More:  House of Representatives impeaches VP Sara Duterte

Sasailalim ang mga ito sa reorientation at reformation program habang gumugulong ang imbestigayon.

Nauna nang na-relieve sa pwesto ang hepe ng mga ito sa ilalim ng doctrine of command responsibility.

Read More:  DILG prepares 10K force for possible Bato arrest

Tiniyak ng PNP na hindi mapipilayan ang operasyon at serbisyo ng Bamban Police sa pagkaka-alis sa pwesto ng mga pulis.

Papalitan ang mga ito ng mga pulis mula sa 1st Provincial Mobile Force Company, 2nd PMFC, Tarlac CPO, Capaz MPS at Concepcion MPS.