CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng tatlong bagong kaso ng Covid-19 ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte.
Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan nitong Miyerkules, May 31, dalawa dito ay namatay.
Hindi nakaligtas ang isang 71 anyos na lalaki na unang nakaranas ng sintomas tulad ng panghihina ng katawan, hirap sa paghinga, pagtatae at abdominal pain noong May 26.
Nagpakonsulta ito sa doktor kinabukasan, May 31 at lumabas ang resulta ng kaniyang RT PCR test nito lang Martes na nagsasabing positibo ito sa Covid- 19.
Hindi rin pinalad ang isang 27 anyos na lalaki nakaranas din ng panghihina ng katawan, hirap sa paghinga at nawalan ng malay.
Lumabas na positibo rin ito sa Covid-19 batay sa resulta ng kaniyang RT PCR test.
Ang isa pang tinamaan ng sakit ay ang 27 anyos na babae na walang naramdamang sintomas at naka- home quarantine ngayon.
Dahil dito sumampa na sa kabuuang 223 ang mga kaso ng Covid-19 sa naturang bayan na mayroon ngayong isang aktibong kaso.
Umakyat na rin sa 26 ang nasawi habang mayroon namang 196 na gumaling.
Patuloy naman ang paalala ng lokal na pamahalaan na gawin pa rin ang mga kinakailangang pag- iingat at magpabakuna kontra Covid-19.
Sa tala ng Provincial Covid-19 vaccination operation center nasa 31,280 ang nabakunahan sa naturang bayan o 82.6 % ng target na 37,857.
