Tatlong babae sa bayan ng Capalonga, huli sa isinagawang anti-illegal gambling operation

CAMARINES NORTE- Huli sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng Capalonga MPS ang tatlong babaeng naaktuhan habang iligal na nagsusugal ng “Tong its” sa Purok 5, Barangay Catioan Capalonga, Camarines Norte.

Isinagawa ang nasabing operasyon sa ganap na alas 05:00 ng hapon nitong Abril 23, 2023

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Ang mga nasabing suspek ay kinilalang sina alyas “Riza”, 29 anyos, “Ruzel”, 25 anyos, at “Mica”, 26 anyos, at lahat ay residente ng nasabing lugar.

Nakumpiska sa kanilang pangangalaga ang isang set ng baraha, tapeta at Php 404.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Samantala, ang mga naarestong personahe at mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Capalonga MPS para sa paghahanda ng kaso laban sa mga nasabing suspek.