Tatlo – patay matapos araruhin ng rescue vehicle sa Kabankalan

Patay ang tatlong indibidwal matapos araruhin ng isang Rescue Vehicle ng Barangay Camingawan sa ang isang motorsiklo sa Aquiles-Zayco Avenue, Brgy. 1 Lungsod ng Kabankalan, Negros Occidental.

Kinilala ang mga biktima na sina Glenn Ramirez, 35 taong gulang, driver ng Yamaha Nmax, Joevan Pineda ng Nueva Ecija angkas ni Ramirez, at Brix Rallos ng Brgy. Hilamonan na naunang nireport na isang by-stander ngunit kalauanan ay nalamang sakay din pala ng nasabing motorsiklo.

Naka-detain na ngayon sa Kabankalan City Police Station si Paul Delos Reyes, driver ng rescue vehicle at posibleng haharap sa kasong reckless imprudence resulting to Multiple Homicide at Damage to Properties. (with reports from BNFM Kabankalan | Andy Galve)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *