Suspension sa higit 70 NFA warehouse personnel na sangkot sa ‘rice scam’, binawi na

Binawi na ng Office of the Ombudsman ang ipinataw na suspensyon sa mahigit 70 warehouse supervisors ng National Food Authority (NFA).

Kaugnay ito ng umano’y maanomalyang bentahan ng murang bigas sa iilan at piling traders.

Batay sa naging desisyon ng Ombudsman, walang sapat na batayan na makaaapekto ang pagbabalik ng naturang mga supervisors sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Kabilang rito ang mga supervisors mula sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Soccsksargen, Caraga Region, at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sinasabi rin sa desisyon na nakuha na rin umano ng tanggapan ang mga kinakailangang dokumento.

Mababatid na una na ring binawi ng Ombusdman ang suspension order sa 24 opisyal ng NFA.

Sa kasalukuyan, mula sa 141 mga tauhan, 45 pang mga opisyal ang nananatiling suspendido.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *