Tatay ni James Reid, nilinaw ang totong dahilan ng pagpunta ng aktor sa US

Nilinaw ng ama ni James Reid na si Ginoong Malcolm Reid na ang pagpunta ng kanyang anak sa Amerika ay para sa kanyang recording sessions at dalawin ang kapatid na si Andrew.

Ang pahayag ng ama ni James ay para pasinungalingan ang balita na kaya umalis patungong Amerika ang anak ay para makipagsapalaran sa kanyang international singing career na hindi nagtagumpay dito sa Pilipinas.

Tinawag rin ni Malcolm na basura ang balitang “for good” na ang aktor sa US.

Pinuri naman ng ilang netizens ang pahayag ng ama ni Reid dahil sa pagiging totoo at straight forward nitong pahayag.