SoKor, magpapadala lang ng 10 players sa Fiba window

Magpapadala lang ang South Korea ng 10 manlalaro para sa dalawang titanic clashes sa Gilas Pilipinas ngayong buwan na window ng 2023 Fiba (International Basketball Federation) Basketball World Cup qualifiers, matapos mahawa ng COVID-19 ang tatlo sa kanilang key members.

Maliban dito, maari rin umanong maglaro ang mga Koreans nang wala ang kanilang head coach na si Cho Sang-hyun, matapos ikonsidera itong close-contact person.

Ayon sa Korean publication Jumpball, tatlong manlalaro ang nagpositibo sa coronavirus at tatlong iba pa ang ikinonsiderang close-contacts.

Kaugnay nito, si Ricardo Ratliffe, na ngayo’y kilala bilang si Ra Gun-A at ang squad’s naturalized player, at 2020 Korean Basketball League Most Valuable Player Heo Hoon ay kabilang sa mga manlalaro na nagpositibo sa virus.

Sa ngayon, umaapela ang Korea’s national cage body, na Korea Basketball Association, sa Fiba na payagan ang kanilang team na gumawa ng late adjustments sa kanilang roster.