‘Task Force KKK’ – inilunsad ng COMELEC

Inilunsad na ng Commission on Elections (COMELEC) ang isang task force na tututok sa pagsugpo ng disinformation, misminformation, at malinformation para sa darating na halalan.

Ayon sa COMELEC – tatawagin nila itong ‘Task Force KKK’, ‘o ‘yung Task Force Katotohanan, Katapatan, at Katarungan.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Sabi ng poll body, pangunahin nitong layunin na mapangatawanan ang katotohanan, at maiwasan ang pagpapakalat ng mga fake news.

Ang Task Force KKK ay ang siyang magmo-monitor sa ‘quad-media’ kabilang ang radyo, telebisyon, print, at online para masigurong pawang katotohanan lamang ang mapalalabas dito.

Read More:  Marcos pushes waste-to-energy program as flooding exposes Philippines’ garbage problem

Tutulong din ito sa pagsugpo sa malinformation lalo na sa panahon ng pagkalat ng deepfake at maling paggamit ng artificial intelligence.

Umapela naman si COMELEC chairperson George Garcia sa mga karampatang sektor na makiisa at makipagtulungan para rito.