Task force, binuo ng DOJ upang imbestigahan ang mga nangyaring maritime disasters sa bansa

Bumuo ng isang task force ang Department of Justice upang imbestigahan ang mga ang mga nakalipas at darating pang maritime disasters sa bansa.

Ayon kay DOJ Undersecretary Raul Vasquez , ilan sa iimbestigaahan ay ang mga sakunang naganap sampung taon ng nakakalipas.

Read More:  Henry Aguda quits as DICT chief amid controversies

Inihayag niyang pananagutin ang mga sangkot sa maritime disasters “as long as the evidence would support that.”

Samantala, sinabi ni Vasquez na na-terminate na ang pag-recover sa industrial oil na dala ng MT Empress Princess sa Oriental Mindoro sa pamamagitan ng nilagdaang kasunduan noong July 25 sa pagitan ng Philippine Coast Guard at ng concerned local government units (LGUs).

Read More:  Court delays Sara Duterte’s grave threats arraignment again

Maaalalang nauna nang naghain ng reklamo ang DOJ sa mahigit tatlompung mga respondents kabilang ang mga opisyal at mga tauhan ng Maritime Industry Authority (MARINA) at ng Philippine Coast Guard (PCG) maging crew at owners ng MT Princess Empress dahil sa paglubog ng naturang barko.