Taripa sa pagbubukas ng SITEX pinag-aaralan na

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Sorsogon Integrated Trasport Federation (SORINTRAFED) na pinag-aaralan na ng lokal na pamahalan ng lungsod at ng pamunuan ng SM Mall ang magiging taripa sa Sorsogon Integrated Terminal Extention (SITEX).

Ayon sa pesidente na si Ramon Dealca, magkakaroon muna ng registration sa nasabing terminal ang lahat ng pampublikong sasakyan na gagamit dito.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

 Inaasahan rin na magkakaroon ito ng bayad oras na matapos na ang dry-run sa susunod na buwan.

Aniya sa taripang ipapalabas ng dalawang kampo, pagbabatayan dito ng mga tsuper kung magkakaroon sila ng taas-singil sa pasahe upang makabawi sa ibibigay nilang taripa sa terminal.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa pangkalahatan, umaabot sa mahigit 700 ang bilang ng mga jeepney , UV Express at mga bus sa lalawigan.

PHOTO: SPIO