Tama, tugmang database ng mga senior citizens, ipinag-utos para sa planong pag-release ng dobleng social pension

Hinimok ni Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte ang local government unit (LGU) executives na tumulong sa pamahalaan na bumuo ng tamang database para sa 12.3-million na matatandang Pilipino sa buong bansa.

Ayon kay Villafuerte, napapanahong gawin ang national listing o cataloguing sa mga senior citizens, dahil ang tinatayang 4 milyong elderly Filipinos na kinokonsidera bilang indigent ay pinaniniwalaang eligible o karapat-dapat na makatanggap ng mas mataas na buwanang subsidies sa ilalim ng bagong batas sa mas pinagbuting social protection para sa naturang sektor.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Dahil dito, umapela ang mamababatas sa mga namumuno sa mga lokal na pamahalaan na tulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Commission of Senior Citizens (NCSC) na asikasuhin ang pagkakaroon ng national database ng halos 12.3 milyong seniors, sa harap ng pangangailangan na agad na matukoy at pagkuha ng tunay na bilang ng mga matatandang Pilipino, partikular na yung mga maaaring makakuha ng subsidiya na P1,000.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Mababatid na noong Abril, umasa si Villafuerte na magbibigay ang Department of Budget and Management (DBM) ng sapat na pondo mula sa national budget para matugunan ang planong pag-doble sa halaga ng monthly social pension. //SM, edited MHEL PACIA