Nagbabala ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa publiko na maging mapagmatiyag laban sa mga schemes na nag-o-offer ng offshore gaming-related employment opportunities na gumagamit ng dating at messaging applications.
Sa inilabas na advisory ng PAGCOR, ang mga job postings na naghahanap ng mga posibleng customer service representatives na may experience sa cryptocurrency trading, ay nang-aakit ng mga bibiktimahin gamit ang high-paying jobs na sa huli ay mapag-aalamang scam pala.

Paliwanag pa nito, ang mga dating services at cryptocurrency investments ay hindi bahagi ng kanilang otorisadong gawain sa Offshore Gaming Licensees and Services Providers.
Binigyang-diin ng PAGCOR na nakalista sa kanilang websites ang mga otorisadong gaming entities at platforms. //SM, edited MHEL PACIA