Talisay PNP namigay ng libreng facemask kasabay ng pinaigting na Oplan Bakal/Sita sa mga matataong lugar

CAMARINES NORTE – Pinaigting ng Talisay PNP ang Oplan Bakal/Sita sa isinagawang checkpoint sa mga dinadagsang lugar sa naturang bayan

Nitong Huwebes, June 27, 2021 ang operasyon ay isinagawa sa mga Videoke Houses bandang alas 8:30 ng gabi sa kahabaan ng Cory Aquino Boulevard, Baranggay San Jose.

Ang Oplan Bakal ay operasyon ng mga kapulisan sa mga establisyemento na  karaniwang isinasagawa sa mga Bar o Nightclub ng walang pasabi, dinadakip nila ang mga pumapasok na Costumer na may mga dalang armas.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, sa pagpapatrulya rin ng Talisay PNP sa Cory Aquino Boulevard, may ilan na nasita at napagsabihan dahil sa paglabag sa mga minimum health standards protocols kagaya na lamang ng hindi pagsusuot ng face mask

Kaugnay nito namigay ng libreng facemask ang mga kapulisan ng Talisay sa mga taong namamataan nila na walang suot nito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Pinakiusapan rin ng mga kapulisan ang publiko na patuloy na magsuot ng Facemask upang maiwasan ang paglaganap ng virus sa naturang bayan.

(photo courtesy: Talisay MPS-CNPPO)