10 Pilipino, tumangging lumikas sa Taliban-controlled Afghanistan

Isiniwalat ng Department of Foreign Affairs na tumanggi ang 10 Pilipino na lumikas mula sa Afghanistan.

Ito ay kahit kontrolado na ng Taliban ang naturang bansa matapos ang dalawang dekada kasabay nang tuluyang pag-alis ng koalisyon na pinamumunuan ng Estados Unidos.

Ayon sa DFA, may kinalaman sa trabaho ang desisyon ng mga nasabing Pilipino na huwag lisanin ang Afganistan.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Mula nang maganap ang Taliban takeover, na nagresulta sa kaguluhan sa capital ng bansa na Kabul ay umabot na sa 182 na Pilipino ang nakalikas, habang nasa 27 naman ang nanatili sa Afghanistan.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Samantala, nakabalik na sa Pilipinas at sumasailalim ngayon sa quarantine ang limang iba pang Pilipino na nasagip ng Indonesian military sa Kabul.

Mababatid na itinaas na ng Pilipinas ang Alert Level 4 sa Afghanistan, kung saan ay minamandato na ang mandatory evacuation para sa lahat ng mga

Pilipino.