Tagumpay ng pamahalaan sa pagpaparami ng nurses sa bansa, iniulat ng PSAC-HSG

Iniulat ng Private Advisory Council o PSAC-Health Sector Group kay Pangulong Bongbong Marcos ang tagumpay ng inilunsad na iba’t ibang public-private program para sa pagpaparaimi ng mga nurses sa bansa.

Sa ika-limang PSAC Healthcare Sector Group meeting kahapon sa Malacañang, binanggit ni PSAC Health Sector Lead Paolo Borromeo, ang President and CEO ng Ayala Healthcare Holdings Inc. na sa ilalim ng Clinical Care Associates o CCA Upskilling Program para sa sa mga underboard nursing students, nasa mahigit 300 na ang na-hire sa iba’t ibang hospital sa bansa.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Naglaan naman ang CHED ng 20 million pesos para sa board review ng isang libong CCA ngayong taon.

Samantala, pinaikli naman sa isang taon ang dating 3 taong Master’s Nursing program para agad makapag turo ng nursing ang mga kwalipikado.

Habang may bilateral agreement din ang Pilipinas sa ibang bansa kabilang ang itinutulak na pilot memorandum of understanding sa Austria na naitatag sa tulong ng Department of Migrant Workers at Department of Foreign Affairs.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Sa ilalim ng MOU, magbibigay ang gobyerno ng Austria ng mga scholarship, suporta para sa faculty, pati na rin ang back adopt-a-school/hospital scheme.

Kabilang din sa iba’t ibang inisyatibo ng PSAC ang mga Underboard Certificate Programs, Balik Nurse Campaign, at ang National HRH Masterplan.