Mas maghihigpit ang Maynila at Taguig sa mga e-bike at e-trike sa highway alinsunod sa dati nang memo ng interior department.
Ayon sa Manila City hall impound ang parusa sa mahuhuling e-trike o e-bike dahil walang rehistro ang mga ito.
Sinabi ng Manila LGU na kasama sa pagpa-rehistro nito ay ang proper education at dapat nasa tamang edad ang mga driver.
Sa Taguig naglabas na rin ng anunsyo na bawal dumaan ang mga e-trike sa national roads tulad ng C6, C5 at Kalayaan Ave maliban na lamang kung tatawid sila sa mga ito.
Bawal din itong gamitin bilang pampublikong transportasyon.
Wala namang problema sa pag-gamit ng e-bike pero sinabi ng MMDA na dahil sa regulasyon kailangan ng iparehistro at i-required ang driver license sa mga magmamaneho ng naturang sasakyan.