Tag-ulan – posibleng magsimula sa Hunyo

Posibleng magsimula na ang panahon ng tag-ulan sa susunod na buwan.

Ayon sa PAGASA, karaniwang nagsisimula ang rainy season sa Pilipinas sa ikatlong linggo ng buwan ng Mayo.

Dahil sa napahabang epekto umano ng El NiƱo – nausog daw ito.

Sa ngayon – epekto ng easterlies o mainit na hangin na galing sa karagatang pasipiko ang mararamdaman sa malaking bahagi ng bansa.

Magdadala ito ng bahagyang mainit na panahon lalo na sa tanghali, habang mas malaki naman ang tyansa ng mga pag-ulan pagsapit ng hapon at gabi.

Ngayong araw, posible pa ring makaranas ng mapanganib na init ang 36 lugar sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *