PBBM, pinangunahan ang command conference ng Philippine Airforce kaninang umaga

Nagpatawag si Pangulong Bongbong Marcos kaninang umaga ng Command Conference sa Philippine Airforce sa Villamor Airbase.

Nakasama ng Pangulo ang matataas na opisyal ng Hukbong Panghimpapawid sa pangunguna ng kanilang Commanding General na si Lt. General Stephen Parreño.

Gayundin sina Department of National Defense Secretary Gibo Teodoro, AFP Chief of Staff General Romeo Brawner, Executive Secretary Lucas Bersamin, at Special Assistant to the President Anton Lagdameo.

Read More:  DepEd assures uninterrupted learning amid Mayon Volcano activity

Present din sa Command Conference si Philippine Coast Guard Commandant Ronnie Gil Gavan si Philippine Army Commanding General Roy Galido.

Mababatid na mainit ang usapin ngayon patungkol sa pinalutang na new narrative ng China kung saan idinadawit ang Wescom Commander na si Vice Admiral Alberto Carlos.

Read More:  PH ready for any natural events ahead of ASEAN Summit 2026

Gayundin ang patungkol sa loyalty check sa mga pulis at militar dahil sa destabilization plot issue.

Sa mga oras na ito, hindi pa naglalabas ng impormasyon ang Malacañang hinggil sa napag usapan at kung may ibinabang direktiba ang Pangulo.

Samantala, mamayang hapon naman ay pangungunahan rin ni Pangulong Marcos ang oath-taking ceremonies ng mga General at Flag Officers ng Armed Forces of the Philippines.