100 piling mahihirap sa Albay, benepisyaryo ng grocery packs mula sa Albay PPO kasabay ng sona ni Pres. Marcos

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Albay Police Provincial Office (PPO) ng Zumba, tugtugan at gift giving sa Old Albay District, Peñaranda Park, Legazpi City kahapon kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon kay Albay PPO Spokesperson PMaj. Kharren Perillo Rañola, namigay sila ng grocery packs sa 100 mga benepisyaryo o mga napiling mahihirap sa lalawigan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Aniya, isa ito sa best practices dahil kadalasan ay nagkakaroon ng pagtipun-tipon ang ilang mga grupo tuwing may SONA ang pangulo.

Hindi rin aniya maiiwasan o mapipigilan na sila ay magsagawa ng kilos-protesta o rally kaugnay ng SONA dahil karapatan ng mga ito na maglabas ng hinaing laban sa gobyerno.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Binigyang-diin din ng opisyal na mas nanaisin ng mga ito na magkaroon ng magandang relasyon sa publiko sa pamamagitan ng zumba, tugtugan at gift giving upang mas lalo pang mapalapit sa tao.